Ang Salita ng Diyos

TAYO ANG ASIN AT ILAW

"Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo.  At ito ay  makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago".

MATEO 5:13-16

13 "Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao".

14 "Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo.  At ito ay  makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago".

15 Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay.

16 Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit".

© Copyright. All rights reserved.

We need your consent to load the translations

We use a third-party service to translate the website content that may collect data about your activity. Please review the details and accept the service to view the translations.